Coming Soon

We're sorry, but this feature is not yet available. We are working hard to make it happen as soon as possible. Thank you for your patience and understanding. Please check back later for updates.

You are doing too fast!

Please slow down your actions to keep our service fair and reliable. Try again after a few seconds. Thank you for your patience and cooperation.

Login to Continue

To continue interacting on Team Erotica, please login or register.

Iginuhit Na Tadhana Part 2

Written on

Enero, 1896

"Muy bien, Compadre. Totoo ngang napakaganda ni Trinidad."bulalas ni Senior Pancho.

"Hindi ba tama ako Senior Pancho? Wala ng mas ririkit pa kay Trinidad sa bayan na ito. Maging ang ganda ng mga aristokratang babae ay hindi maihahalintulad sa kanyang yumi."humahalakhak na wika ng kasama ni Senior Pancho na si Senior Miguel.

Si Trinidad, isang magandang babae na naninirahan sa Bulakan kapiling ang mga magulang na mga magbubukid. Nagtatrabaho ang mga ito sa trigohan ni Senior Miguel.

"Nais kong isama si Trinidad sa Maynila at gawing aking esposa alipin." pinal na sabi ni Senior Pancho sa magulang ni Trinidad.

"Hindi maaari Senior. Humiling na lamang kayo ng iba subalit huwag ang aming anak. May kasintahan na siya at lubos na nagmamahalan."pakli ng ama ni Trinidad.

"Ingrato. Sino ka para utusan ako alipin. Binayaran ko ang lahat ng utang ninyo kay Miguel. Kulang pa ang buhay niyo para bayaran ang lahat ng iyon."pagalit na tono ng senior.

"Subalit—" tutol muli ng ama ni Trinidad na umaagos na ang luha at maging ang ina nito.

"Tama na ama. Sasama ako kay Senior Pancho para maging esposa."sabad ni Trinidad.

"Pakisabi na lamang sa aking nobyo na ayoko na siyang makita at tinatapos ko na ang aming ugnayan."dagdag wika ni Trinidad na halatang napipilitan at iniiwasang magalit ang mga aristokrato na maaring ikapahamak ng kanyang pamilya. Kahit labag sa kanyang kalooban ay napilitan itong tanggapin ang alok ni Senior Pancho.

"Huwag kayong mag alala at makakatanggap kayo ng karampatang salapi mula sa akin."wika ng senior sabay lumabas sa munting tahanan kasama si Trinidad at isinakay sa kalesa.

Upang hindi maramdaman ang pait ay walang lingon likod na lumakad si Trinidad hanggang sa makasakay. Ayaw niyang makita ang mga mahal na magulang na lumuluha dahil sa kinuha ang isang butihin nilang anak na dalaga.

Kasintahan ni Trinidad si Juan at tigib ang kanilang pagmamahalan. Ngunit mas minabuti niyang sundin ang nais ng senior kaysa mapahamak ang kanyang minamahal. Kung hindi siya papayag sa nais ng senior ay piho na buhay ng kanyang kasintahan o ng mga magulang ang maaaring magiging kapalit.

Ilang oras ang ibinayahe ng kalesa mula bulakan papunta sa mansyon ni Senior Pancho na nakatirik sa Malate Manila. Hindi maiwasan ni Trinidad na humanga sa ganda ng mga kasangkapan na halos iniangkat sa bansang Espanya at Tsina. Kahit ata buong buhay sila magtrabaho ay hindi sila makaka bili ng ganoong mga muwebles at kasangkapan.

Sinalubong sila ng iilang trabahor sa mansyon ni senior.

"Buenas Noches y bienvenidos senior seniora."sabay sabay na bati ng mga tauhan.

"Iyo na ang mansyon na ito Trinidad. Ikaw na ang aking esposa at seniora ng sambahayang ito."wika ni Senior.

Hindi mahalaga kay Trinidad ang kayamanan at si Juan pa rin ang laman ng isip niya. Ngunit sa kalagayan niya ay malayo ng matupad na muli pa niyang makita ang kasintahan. Magiliw si Senior Pancho sa mga tauhan at hindi naman abusado katulad ng ibang mayayaman subalit may otoridad lagi ang boses nito. Ibig nito na lagi siyang masusunod kapag may sinabi siyang bagay na gusto.

Mabilis naman nakarating kay Juan ang balita na kinuha si Trinidad at ginawang asawa ng isang aristokrato bilang pambayad utang. Tanging ina niya lamang ang naging sandigan ni Juan ng mga oras na iyon.

"Tahan na anak. Kalimutan mo na si Trinidad. Mga indio lamang tayo."wika ng ina ni Juan.

"Dahil ba sa isang Principales si Don Pancho kaya sumama si Trinidad Inay?"humagulgol na wika ni Juan.

"Batid mong hindi totoo iyan anak at hindi iyon ang nakikita ko. Alam mo naman ang kakayahan ng mga aristokrato. Ayaw lang ni Trinidad na mapahamak ka at ang pamilya niya."alo ng ina ni Juan.

"Buo na ang desisyon ko inay. Tatanggapin ko na ang alok ni Macario. Sasapi ako sa kilusan ni supremo." buong tapang na sabi ni Juan.

"Anak, alam mo naman ang ginagawa ng mga espanyol kapag nalaman na isa kang katipunero. Ayokong may mangyaring masama sa iyo."malamyos na tugon ng kanyang ina.

"Huwag kayong mag alala inay, magiingat akong mabuti. Nais kong may maiambag sa ating bayan upang hindi kapangyarihan lamang ng salapi ang nananaig. Ang tunay na nagiibigan ay walang lugar sa panahong ito."wika ni Juan.

Nagkagayon nga. Dumaan si Juan sa mga pagsubok upang makasali sa lihim na kilusan. Tanging mga nahihikayat lang na sumali ay ang mga kakilala lang ng mga dati ng kasapi ng kilusan. Pinapasok siya sa isang silid na nakapiring at pinabasa ang mga kataga sa pader. Pinagtatanong ng mga katanungan tungkol sa bayan. Sinubok ang kanyang tapang at hindi nag laon ay nakamit niya ang maging miyembro. Dahil sa talas at bilis ng isip kasama ang tapang ng dibdib ay naataasan siyang maging espiya sa Maynila kasama si Macario.

Ngunit hindi lamang pagtulong sa paglaya ng bansa ang hangad ni Juan kundi ang alamin mula sa bibig ni Trinidad ang buong dahilan. Nakasilip sila ngayon sa isang mansyon kung saan namamalagi si Trinidad.

"Macario. Ikaw ba ay tunay kong kaibigan?"tanong ni Juan sa kasamang espiya habang nakakubli sa bakod na pader.

"Walang duda Juan. Kahit kamatayan ko ay hindi kita ipagkakanulo."sagot naman ni Macario.

"Magaling aking kaibigan. Nais kong humingi ng tulong sa iyo."

"Kahit ano kaibigan basta kaya kong gawin."sagot muli ni Macario.

"Talastas mo naman na inilayo sa akin si Trinidad hindi ba? Aking nabatid na dito sa mansyon na ito dinala si Trinidad upang gawing esposa ng isang aristokrato." sabi ni Juan.

"Ano ang iyong binabalak Juan?"tanong naman ni Macario.

"Nais kong tulungan mo akong makapasok sa mansyon na iyon upang muling makapiling si Trinidad." pakiusap ni Juan.

"Nahihibang ka na ba Juan. Alam mo bang si Don Pancho Vasquez ang nakatira diyan at isa siyang principalia. Pinakamataas na uri ng tao sa lipunan. Hindi hamak na mas mataas kaysa sa ilustrado."pagpigil ni Macario.

"Alam ko Macario. Tutulungan mo ba ako o hindi?"tanong ni Juan sa kaibigan.

"Shhh!!" pabulong na sabi ni Macario sabay napayuko silang dalawa ng makita ang papalabas sa malaking pinto. Pumunta ito sa Hardin.

"S-si Trinidad!!"bulalas ni Juan sabay labas sa pagkakakubli at tinungo ng palihim si Trinidad. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi napigil ni Macario ang kaibigan. Napailing ito at palihim ding sumunod habang minamasdan ang kapaligiran kung may mga guwardiya sibil.

"Psstt! Trinidad! Mahal ko."mahinang tawag ni Juan sa kasintahan.

"Juan!?"sabay lapit ni Trinidad sa bakod kung saan naka sungaw si Juan. Tinutop nito ang kamay sa dibdib sa kaba.

"Anong ginagawa mo dito? Baka may makakakita sa iyo."gulat na sabi ni Trinidad habang nakalinga sa bandang pintuan ng mansyon.

"Mahal, nais kong malaman kung kusang loob kang pumayag na maging asawa ni Don Pancho?"tanong ni Juan.

"Alam mo naman na hindi ko nais ito Juan. Alam mong ang puso ko ay sa iyo lamang mag pa hanggang kamatayan. Ayokong may mangyaring masama sa iyo at kina Inay at Itay kaya napilitan akong gawin ito. Batid mo naman ang kakayahan ng mga aristokrato."paliwanag ni Trinidad.

"Nais kong sabihin mo Mahal na mahal na mahal mo ako." wika ni Juan habang nangingilid ang luha.

"Mahal na mahal kita Juan subalit alam mo ng imposible ang ating pag iibigan. Batid mong di malirip ang pagmamahal ko sa iyo."tigib na sabi ni Trinidad.

"Hintin mo ako mahal, muli tayong magkakasama, gagawa ako ng paraan."wika ni Juan.

"Paano Juan? Masyadong mapanganib."

"Donya Trinidad."tinig na mula sa papalabas na tao mula sa malaking pintuan ng mansyon. Hindi naman mapakali si Macario sa kaba.

"Juan tayo na."yaya ni Macario.

"Yumao ka na Juan, baka makita ka ni Senior."pagaalalang tinig ni Trinidad.

"Babalik ako bukas aking mahal."wika ni Juan habang ginagap ang kamay ng kasintahan.

"Paroroon kami sa gobernador heneral bukas ng dapithapon para sa pulong Juan."wika ni Trinidad habang lumayo sa bakod at kunway namimitas ng rosas.

"Andito ako Aurora. May kailangan ka ba sakin?" tawag ni Trinidad sa tagapag alaga sabay tanong. Nilinga pa niya ng palihim si Juan kung nakaalis na.

"Oras na ng iyong pag ligo Donya."yaya ni Aurora.

Dagli niyang tinapos ang pamimitas at pumunta sa kinatatayuan ng tagapag alaga. Pumasok sila sa mansyon at sabay ipininid ang isang panig ng pintuang dalawa ang dahon.

Palihim namang umalis sina Juan at Macario.

"Bumalik na tayo sa kampo Juan. Ipaalam natin ang nakalap nating impormasyon tungkol sa magmamartsang pulutong sa Kalookan."sabi ni Macario.

"Siguradong may gagawing pag tambang mamayang bukang liwayway sa Kalookan. Sasama ka ba kaibigan?"dagdag sabi ni Macario na patanong.

"Sasama ako Macario. Ang aking tabak ay pupunuin ko ng dugo ng mga guwardiya sibil." matigas na sabi ni Juan.

Hatinggabi pa lamang ay lihim na nilang pinalibutan ang masukal na daan. Inaantay ang pagdaan ng mga espanyol.

"Mag-iingat ka Macario."wika ni Juan.

"Salamat. Ikaw din kaibigan."tugon naman ni Macario at ng makarinig ng hudyat ng pagsugod ay mabilis silang nagtakbuhan. Kanya kanyang wasiwas ng tabak laban sa riple ng mga espanyol.

Mahusay si Juan sa pakikidigma at may malakas na pangangatawan na nakuha sa pagbubukid. Ilang sundalo din ang kanyang napatay. Hinagilap ng mata niya ang kaibigan. Nakita niya ang pagtutok ng isang sundalo sa nakatalikod na si Macario.

"Macario!"sigaw ni Juan at napaharap ito. Nakita niya ang isang sundalo na handa ng pumutok ng kanyang riple. Mabilis ang pangyayari at namalayan na lamang ni Macario na nakadagan sa kanya si Juan. Sinagip siya ng kaibigan. Ang guwardiya sibil na bumaril sa kanila ay nakita pa niyang tinarakan ng tabak sa dibdib ng isa nilang kasapi. Sinaklot ng kaba sa dibdib si Macario dahil sa baka napuruhan si Juan.

Agad namang naubos ang mga sundalo na nabigla sa kanilang ginawang pag atake. Ang mga armas ay nilimas ng mga rebolusyunaryo. Inalis ni Macario si Juan sa pagkakadagan sa kanya at tiningnan ang sugat. Laking pasalamat niya ng daplis lang sa kaliwang balikat ang natamo nito.

"Maraming salamat Juan. Utang ko sayo ang aking buhay."sabay inalalayan sa pagkakatayo si Juan at agad silang nagtipon para gamutin ang sugatan.

Kinabukasan.

Inantabayanan ng magkaibigan ang paglabas ng mansyon ni Senior Pancho at Trinidad para tunguhin ang pulong.

"Maraming salamat sa tulong mo Macario."wika ni Juan habang lihim silang nakamasid sa kalesa.

"Lahat ay gagawin ko para sayo dahil sa iniligtas mo ang buhay ko Juan."sagot ni Macario kapagkuwan.

"Handa ka na ba?"tanong muli ni Juan.

Tumango lang ang kaibigan. Nakita nila ang papasakay na si Don Pancho sa kalesa.

"Ngayon na Macario."utos ni Juan.

Agad namang lumabas sa pagkakakubli si Macario at sumunod din si Juan. Kapag kuway hinablot ni Macario si Don Pancho at inilapat sa likod ng kalesa. Akmang tatagain ng kanyang tabak.

Hinablot naman ni Juan si Macario at kunwaring nagpambuno. Napasandal si Macario sa gilid ng karwahe at inundayan ng suntok ni Juan. Sadya niyang pinadaplis ang kanyang kamao na tumama sa salamin na bintana. Kunwaring nag agawan ng tabak at hindi naglaon ay nagtatakbo si Macario. Naiwan si Juan at lumapit kay Don Pancho.

"Nasaktan ba kayo Senior?"tanong ni Juan.

"H-hindi naman. Gracias. A-anong pangalan mo?"tanong ni Senior Pancho na may paghanga sa kisig ni Juan.

"Juan senior."sabay tanggal ng kanyang sombrerong at inilagay sa dibdib at bahagyang yumuko. Ang duguang kamao ay hindi alintana.

"Anong dahilan at pinagtangkaan ako ng indiong iyon?"takang tanong ni Senior.

"Pihong nananaghili sa inyong yaman senior."susog ni Juan.

"Ano ang iyong kwento ginoo?"tanong ni senior.

"Ako ay naninirahan sa Tondo. Naghahanap ako ng mapapasukang trabaho senior kaya ako napadpad sa lugar na ito."wika ni Juan na ang sugat sa kaliwang balikat at kanang kamao ay pilit itinatago ang sakit sa kanyang mukha. Namasdan niya din ang pagka gulat sa mukha ni Trinidad.

"Trabaho? Ano ang iyong talastas na gawain?"siyasat ni Senior.

"Ako'y isang anluwage, magbubukid. Kung mamarapatin ninyo ay ibig kong mangalaga ng inyong kamalig."

"Ano pa ang iyong kakayahan ginoo."tanong muli ni senior.

"May talento ako sa pag guhit at pag pinta Senior."pakli ni Juan.

Naging interesante ang mukha ng senior.

"Pintor? Kaya mo bang iguhit ang aking magandang esposa?"tanong muli nito kay Juan habang itinuro si Trinidad.

"Walang bagay akong hindi naipipinta."tugon ni Juan.

"Magaling. Dahil sa iniligtas mo ang aking buhay ay nais kong manilbihan ka sa aking tahanan. Si Paez na ang bahala sa iyo, siya ang aking mayordomo."pagpayag ni senior.

"Maraming salamat senior. Ako po ay magiging tapat ninyong taga silbi."

Tuluyan ng umalis si Senior Pancho kasama si Trinidad sa kalesa. Muli naman niyang tinagpo si Macario.

"Anong balita Juan?"

"Tagumpay Macario. Maninilbihan ako sa mansyon. Maraming salamat sa tulong mo."wika ni Juan.

"Mabuti kung ganon. Titiwalag ka na ba sa kilusan?"tanong ng kaibigan.

"Hindi—mananatili tayong espiya."tugon ni Juan.

Nagkagayon nga, namasukan si Juan na tagasilbi ni Senior Pancho at nakuha ang tiwala habang lihim silang nagkikita ni Trinidad sa kamalig.

"Mahal kong Juan. Natatakot ako sa ating ginagawa. Alam mong si Senior ay mapanaghili at talusaling. Ayokong maparool tayong dalawa."wika ni Trinidad habang tutop ang dibdib.

"Ako may takot din aking mahal subalit wala akong maisip na ibang paraan upang muli kang makapiling."tugon ni Juan sa kasintahan.

Napansin ni Trinidad ang pagdugo ng sariwang sugat pa ni Juan sa kaliwang balikat maging sugat sa kamao.

"Saan mo nakuha ang iyong subyang sa balikat mahal?"pagalalang tanong ni Trinidad.

"Sumapi ako sa kilusan mahal. Huwag mo na akong alalahanin. Ginamot na rin ako ni Aurora. Ginagawa ko ito dahil sa wala ng ibang paraan. Lahat tayo ay alipin, si Senior na alipin sa sobrang pagmamahal sayo at ikaw naman na alipin ng sobrang pagmamahal niya. Ako naman ay alipin ng mga espanyol sa sariling bayan at alipin naman sa iyo. Nais kong may maiambag sa ating paglaya upang muli kitang makapiling ng walang pagaalinlangan."saad ni Juan.

Patuloy pa rin ang pagiging espiya ni Juan at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa kilusan.

Lalo pa niyang nakuha ang loob ng senior ng mabighani ito sa iginuhit niyang larawan ni Trinidad.

"Napakahusay ng iyong kamay Juan. Walang kasing ganda si Trinidad sa iyong obra."hangang hangang sambit ni Senior habang minamasdan ang tapos na obrang ipininta. Imahe ni Trinidad na nakaupo sa isang mamahaling silya na nakadamit ng isang principalia. Halos kasing laki at kasing lapad ng isang pinto.

"Maraming salamat sa papuri senior."tugon ni Juan.

Lumipas ang maraming buwan at nag dalang tao si Trinidad kay senior subalit ang kanilang pagiibigan ay hindi nang hinawa. Kuntento na silang lihim na nagiibigan at nagkikita sa kamalig ng makatanggap si Juan ng isang lihim na impormasyon. Hindi niya maiwasang sabihin kay Trinidad.

"Mahal kong Trinidad may masama akong balita sa iyo."wika ni Juan habang gagap ang kamay ng kasintahan.

Hindi na nakasagot pa si Trinidad ng muling sabihin ni Juan ang balita.

"Nakatanggap ako ng balita kay Macario at sinabing ikaw ay dadalhin ng gobernador heneral sa bansang Espanya kapag ikaw ay nagsilang na." nangingilid na luha ni Juan.

Napahagulgol si Trinidad at napayakap sa matipunong dibdib ni Juan.

"Ayoko Juan. Nais ko pang mamatay kaysa malayo sayo."humihikbing si Trinidad.

"Batid ko mahal. Mas nais ko pang makasama mo si senior kaysa sa malupit na gobernador heneral. Itatago kita na hindi nila makikita kung saan." wika ni Juan.

"Paano Juan?"

"Kakausapin ko si Inay na muling gamitin ang lihim na karunungan at itago ka sa ibang mundo sa loob ng larawan." sabi ni Juan.

"Ngunit ayokong mag isa doon. Samahan mo ako mahal."aya ng babae.

"Hindi maari yon mahal. Labag iyon sa kakayahan ni Inay. Ang magkakadugo ay hindi maikukulong sa ibang mundo."sagot ni Juan.

"Subalit ayokong mag-isa."pakli ni Trinidad.

"Nakita ko ang tigib na pagmamahal sa iyo ni Senior at hindi ka magawang saktan. Malas ko rin na gagawin niya ang lahat para sa iyo. Kukumbinsihin ko siyang sumama sa iyo sa loob ng larawan." desididong wika ni Juan.

"Papaano ako makakalabas sa larawan mahal?" tanong muli ng babae.

"Tanging may dugong de Villa lamang ang makakabukas ng pinto ng larawan. Hintin mo ako tuwing hahalik sa lupa ang butiki sa kisame at nandoon ako para palabasin ka. Ang lihim na lagusan patungo sa tunay na mundo ay ipalalagay ko kay Inay sa kamalig."saad muli ni Juan.

"Payag ka ba mahal? "tanong ni Juan.

"Oo mahal. Mas nais ko na iyon kaysa sa mapalayo sa mga taong mahal ko." turan naman ni Trinidad.

Pinaliwanag pa ni Juan ang mga kondisyones at mga bagay na mararanasan ni Trinidad sa mundo sa loob ng larawan ngunit hindi nagbago ang isip ng kasintahan.

Kinabukasan ng umaga ay agad dumulog si Juan kay senior at ibinalita ang kanyang nalaman.

"Hindi ako makakapayag. Akin lamang si Trinidad. Sigurado ka ba sa balita Juan?"siyasat ni senior.

"Walang duda senior, basta utos ng heneral ay walang makakapigil. Maari kayong kumalap ng impormasyon sa inyong mga kakilala na malapit sa gobernador heneral."suhestiyon ni Juan.

Ganon nga ang ginawa ni Don Pancho. Nagpaabot ito ng liham sa malapit na kaibigan na nasa Intramuros na ginawang kapitolyo ng heneral. Hindi siya makapaniwala na may pag sinta din ang heneral kay Trinidad.

"Hindi ako papayag. Ahhh!"sabay hataw ng baston sa mga mamahaling porselanang pigurin. Agad iyong nabasag. Napapatda at sinaklot ng takot ang mga nakamasid sa galit ni senior. Ang kanyang katiwala na si Paez, tagapag alaga ni Trinidad na si Aurora at maging si Trinidad.

Lahat ay gagawin ni Senior Pancho huwag lamang malayo si Trinidad at agad naman iyong sinamantala ni Juan.

"Senior, mayroon akong imumungkahi. May alam akong lugar na kahit sinong nilalang ay hindi maagaw si Trinidad kahit ang heneral pa."

"Anong ibig mong sabihin Juan? Lahat ng sulok ay may mata ang heneral, kahit sinong mataas sa lipunan ay kaya niyang pabagsakin."takang tanong ni senior.

"May kakilala akong manggagaway. Maaari niya kayong dalhin sa isang mundo na kayo lamang dalawa. Ang inyong pag iibigan ay walang hanggan."pang lililo ni Juan.

Naging interesante ang senior.

"Ipaliwanag mong mabuti Juan."

"Ikukubli niya kayo sa isang lugar na ang araw ay mas maikli kaysa sa tunay na mundo. Ang taon dito ay maaring isang araw lamang doon. Hindi rin kayo tatanda at mananatili ang ganda ni Trinidad. Ang kanyang kariktan ay lagi mong mamamasdan senior. Ang materyal na bagay ay walang halaga sa lugar na iyon. Tamang tama lamang sa nagiibigan ng tapat at walang hanggan."paliwanag ni Juan.

"Ngunit isisilang na ni Trinidad ang aming anak. Hindi ko maaring isama doon ang sanggol, kung ang tinuran mo'y tunay wala siyang magiging buhay doon."pakli ni senior.

"Handa akong kalingain ang inyong anak senior." sabad ni Paez.

"Sisimulan kong sumulat ng privado diario tungkol sa inyong buhay at ipamamana sa salit saling lahi ng inyong magiging anak."dagdag ng katiwala.

"Dalhin mo sakin ang manggagaway Juan."utos ni senior.

"Subalit may isa siyang kondisyon senior."sagot ni Juan.

"Kahit ano ibibigay ko Juan. Huwag lamang si Trinidad."pihong tugon ni senior.

"Nais ng manggaway na ang kalahati ng inyong yaman ay ibibigay sa kanya at ang kalahati ay sa inyong anak."

"Ikaw na ang nagsabi Juan na walang halaga ang materyal sa mundong aming pupuntahan. Ihahabilin ko kay Paez ang kalahati upang sa kinabukasan ng aking anak." pagpayag ni senior.

"Pagkapanganak ni Trinidad ay gagawin na natin ang pagpasok niyo sa lugar na iyon senior."wika ni Juan.

"Saang lugar iyon Juan?" tanong ni senior.

"Gagamitin natin ang pinakakamahal niyong larawan ni Trinidad upang maging pinto sa mundong inyong pupuntahan."

"Ang larawan? May paraan ba para makalabas sa larawan?"tanong muli ng nagugulumihanan na aristokrato.

"Wala senior, walang makakapasok at makakalabas sa mundong iyon at habambuhay kayong magsasama ni Trinidad." pagsisinungaling ni Juan upang mabigyan ng kapanatagan na hindi makakaalis si Trinidad.

Agad tumulak si Juan pabalik sa kanilang bayan sa Bulakan at kinausap ang ina sa binabalak. Laking tutol naman nito sa kanyang ideya.

"Hindi ako payag Juan. Alam mo naman ang kapalit ng pag gamit ng karunungang itim."

"Sige na inay, ngayon lamang ako hihiling."pakiusap ni Juan.

"Alam kong kahit ilang siglo pa ang lumipas ay mananatili sila roon. Nais kong ibalik muli ninyo ang aking kaluluwa sa isa sa aking magiging saling lahi. Ibalik mo ako inay kapag malaya na ang mga tao. Doon ko muling palalayain si Trinidad, sa panahong kahit sinong mahalin ay walang hahadlang."dagdag niya.

"Ngunit anak, alam mong ang epekto ng ganoong mahika ay mawawalan ng sariling desisyon ang sinumang katawan na magagamit mo. Bukod pa doon ay magiging makasarili at ganid hanggang sa magdusa dahil sa mga naglalayuan ang mga mahal sa buhay." tutol ng ina ni Juan.

"Hihingi na lamang ako ng tawad sa gagawin kong aklat talaan inay. Idedetalye ko ang aking buhay at mga pagsubok namin ni Trinidad. Siguradong maiintindihan ako ng aking magiging salit saling lahi dahil sa alam kong magiging mabuting tao iyon kagaya natin."tugon ni Juan.

"May isa pa pala akong hiling inay. Nais kong alisan mo ng paningin si Senior Pancho pagpasok sa mundo ng larawan."

Napabuntong hininga na lamang ang ina ni Juan. Walang na rin itong nagawa kundi pagbigyan ang hinagpis ng anak. Sumapit ang pagsilang ng sanggol ni Trinidad. Isang sanggol na lalaki. Matapos linisin ng ina ni Juan ang sanggol ay kinuha ito ni Don Pancho. Lumapit sa katiwalang si Paez.

"Ikaw na ang bahala sa kanya Paez. Palakihin mo siyang mabuti. Ibigay mo rin ang aking apelyido sa kanya."pakiusap ni senior.

"Masusunod senior."tugon naman ng katiwala.

Agad nilang inihanda ang gagamiting gamit sa seremonyas. Inilagay ang larawan sa gitna ng nakapaikot na malalaking kandila. Binuksan ito ni Juan na parang isang pinto. Habang ginagawa naman ang seremonyas ay ang pag martsa ng mga kawal upang kunin si Trinidad. Nakarating ang mga kawal sa mansyon ni Don Pancho subalit wala silang natagpuan kundi mga trabahador.

Nagngitngit naman sa galit ang heneral ng mabalitaan ang pagtakas ni Senior Pancho kasama si Trinidad.

Patuloy ang pagkikita ni Juan at Trinidad sa lihim na tagpuan ng mga ilang linggo pa.

"Hindi pa ba tapos ang rebolusyon mahal?"tanong ni Trinidad.

"Malapit na mahal, humihina na ang mga kawal ng espanya."tugon ni Juan.

"Trinidad—" napatingin si Trinidad sa mukha ni Juan.

"Bakit Mahal?"

Humugot sa bulsa si Juan ng isang bagay. Kwintas na yari sa puting perlas.

"Nais kong itabi mo ito bilang alaala ko. Pinagipunan ko ito mula sa sahod na ibinibigay ni senior. Binili ko sa isang mangangalakal na mestizo."sabay gagap ni Juan sa kamay ni Trinidad at inilikom.

"Bakit Juan? Tila nagpapaalam ka? Nahihinawa kana ba sa akin?" sunod sunod na tanong ni Trinidad. Ang mukha nito ay pinapag-ulap sa winikang iyon ni Juan.

"Hindi mahal. Muli kitang babalikan at tutuparin ang ating pangako. Ang pagisahin ang ating mga katawan na walang gambala. Hindi ko man matupad ang pangakong ito ngayon. Sisiguraduhing kong sa susunod na panahon ay magagawa ko. Babalikan kita. Pangako mahal. "paliwanag ni Juan habang hawak ang kamay ni Trinidad.

Kahit itago pa ni Juan. Ramdam ni Trinidad na may inililihim ang kasintahan.

"Yaman din lamang na sinabi mo yan. May hihilingin sana ako sayo Juan."malamyos na wika ng babae.

"Ano iyon mahal? "tanong ni Juan.

"Batid kong may lihim na pagtingin sa iyo si Aurora. Nais kong gawin mo siyang katipan at bigyan ng supling."

"Bakit mahal? Ano ang iniisip mo?" takang tanong ni Juan.

"Matagal ko ng pinagisipan to Juan. Nais kong kahit sa ating mga salit saling lahi man lang ay matupad ang naudlot nating pagmamahalan."wika ni Trinidad.

Muli silang naghiwalay ng gabing iyon at nagisip si Juan. Inilihim niya sa kasintahan ang malaking gagawin nilang pag atake sa Tarlac sa susunod na araw. Napag-isip niyang tama ang kasintahan. Kung masasawi siya ay walang magtutuloy ng kaniyang lahi.

Agad niyang kinausap si Aurora at ng gabi ding iyon ay nagtalik sila. Iniuwi niya si Aurora sa Bulakan at pinatira kasama ang ina sabay pinaliwanag ang lahat.

Dumating ang araw ng paglusob nila sa Tarlac. Hindi maipaliwanag ni Trinidad subalit ramdam niyang may salagimsim para kay Juan. Kaipala ay nasawi ito sa rebolusyon kasama si Macario.

Hindi na muling dumating si Juan upang buksan ang pinto sa mundo ni Trinidad. Nagbunga din ang gabing pinagsaluhan ni Aurora at Juan ng isang lalaki.

Matiyagang naghihintay si Trinidad kay Juan sa kamalig habang minamasdan ang tunay na mundo sa labas hanggang sa lumipas ang mahabang panahon.

Subalit walang Juan de Villa na dumating.

itutuloy...

Comments